Tuesday, November 18, 2008
epal naman... x( wag laging manisi...
I think this is the most difficult thing to avoid. Bakit kamo? Hindi ba't kada meron nangyayari sa atin na hindi maganda e we tend to put the blame on others rather than seeing the mistake on our part.
Madalas nating sisihin yung ibang tao lalo na yung merong involvement sa atin. Ang hindi natin ginagawa e tingnan yung ginawa natin.Mas madali nating makita yung mali ng iba kesa sa mali natin.We know the fact na kapag meron tayong gusto e we exert all our effort just to get that.Ika nga e "Ginawa ko ang lahat".Very famous ang line na ito lalo na sa mga taong tingin nila e nai-exert nila ang buong effort nila para sa isang bagay or tao na importante sa kanila. Hindi natin maisip na baka kaya hindi tayo naging successful sa gusto natin kahit na ba "ginawa ko ang lahat para dun or sa kanya" e dahil sa lapses.
Did we ever try to think na habang ginagawa natin yung "lahat" e meron tayong nagawa na hindi naman angkop. Kahit pa sabihin nating hindi sinasadya or hindi natin napansin na nagawa pala natin yun e still,it had the same result.Nawala sa atin yung tao or bagay na yun.
Habang nage-exert tayo ng effort e di naman natin namamalayan na yung ginagawa pala natin e di na bumabagay sa situation or di nagugustuhan ng taong pinagbibigyan natin nun. So that's probably one reason why our efforts lead to being useless because of our own mistake whether we did it unintentionally or whatever.
It's really hard to admit na ang mistake e nanggaling din mismo sa ating sarili kaya hindi pumabor ang pagkakataon sa atin.
Maraming tao ang hindi kayang isipin na ang mali e nanggaling sa kanilang side mismo kahit pa sabihing "ginawa na ang lahat".It will never be an excuse just to get away with the bad result.They just try to put the blame on the other party.Pero in the end, sila pa rin naman ang nag-suffer ng consequences.
Hindi nakakabawas ng pagkatao if aminin natin ang mali sa side natin.It even makes us grow as professionals so to speak.It just needs an open mind and a bit of courage to do it.
Kaya para sa inyo na nabigo sa mga hinahangad,instead of putting the blame on others,try to check baka naman meron kayong nagawa or nasabi na hindi naman dapat(akala lang na dapat).Hindi natin pwedeng lagi sabihin na "ginawa ko ang lahat" dahil never itong magiging excuse sa ating sarili.Tayo rin ang makakaramdam ng consequence.
sorry po kung may pagka-konyo. Kakainis talaga yung mga walang magawa na puro sisi lang ang alam.