Wednesday, September 17, 2008
buo na yung tula ko. yay. :))
eto na nga. X)sa iyong unang tanaw
tila ako'y natunaw
ikaw ang naging ilaw
sa aking gabing mapanglaw
nang tayo'y magkakilala
buhay ko'y napuno ng sigla
araw-araw tayong nagkikita
sana ika'y laging makasama
kapag may kasama kang iba,
mundo ko'y parang nagigiba
sakit na walang katumbas
dibdib ko'y parang unti-unting binubutas
aking napagtanto sa sarili ko
na ikaw pala'y mahal ko
di ko kayang itago ang nararamdaman ko
sapagkat nasasaktan lang ako
ipinagtapat sa'yo ang nararamdaman ko
at nagmahalan nga tayo
mga masasayang tagpo na tila isang pelikula
nawa'y hanggang sa magpakailanman ganito ang eksena
isang araw ipinagtapat sa akin
na ang puso mo'y hindi na akin
umagos ang luha, napakasakit isipin
wala akong nagawa kundi ika'y palayain
hindi na makatulog ni makakain
langit at lupa sumuklob sa akin
umaasang ika'y muling mahagkan
ngunit wala na, sana ako'y sunduin na ni kamatayan
nasaan na ang pangako mo
noong nagmamahalan pa tayo
matatamis na salita mula sa labi mo
tila nagkapirapiraso
lahat nang ito'y naging matamis na alaala na lamang
sa iyong pagkawala, ako'y nawalan na ng tapang
ating masayang nakaraan, aking binabalik-balikan
o aking kasintahan, bakit ako'y nilisan?
sa pagtingin sa salamin, naalala ang lahat ng lumipas
sa pagpikit, pumasok ang alaala ng nakalipas
ako'y nanghina, naghahabol ng hininga
ano pa ang dahilan para lumaban kung ika'y wala na?
ito'y sadyang nakakapamilipit
tila ako'y pinupunit
nanlambot ang tuhod, nawalan ng lakas
sa aking mga mata, luha ay tumagas
sa pag-aakalang tatagal ang pagmamahalan
ngayon ako'y naglalakbay sa kawalan
ang pangako sanang magpakailanman
siyang nagdulot ng napakalaking kabiguan
Labels: kabiguAn, tula